Bakit magpapatuloy sa pagba-blog?

Happy Anniversary sa Kwentot Paniniwala ni Hitokirihoshi at Happy Birthday sa creator nito, clue, Hitokirihoshi name n’ya. Hahahaha! Pero bigyan natin ng palayaw ang nilalang na ito, Hoshi. Ang tanda na ng site na ito at minsan na lang na ma-update pero humihinga pa naman.

Dahil blog anniversary, gusto namin mangako sana ni Hoshi na pabongahin Ang site na ito at everyday or every other day mag-post…pero mahirap yon. 

Photo by Giftpundits.com on Pexels.com

Bakit di na nakakapag-blog? 

Since day one ng pagba-blog n’ya ay hindi naman talaga s’ya ka-prolific at consistent gaya ng ibang blogger or content creator sa posting. Pero noong una ay at least twice or once a week ay may update. Mas lalong dumalang nang mabuo na ang kanyang lifestyle magazine blog site na hoshilandia.com. Nakakatawa baka ito pa lang this year ang unang post dito. Pero s’ya rin naman ay hindi gaano. Nakakapag-update sa aspectos de Hitokirihoshi (kailangan i-emphasize ang promotion). 

Ang tatlo pang reason kung bakit hindi nakakapag-blog?

Photo by cottonbro on Pexels.com
  • May buhay sa likod ng blogging. Bukod sa wala naman akong kita rito kundi kumuda, makatulong at makapagbigay hopefully ng saya ay marami kaming pinagkakaabalahan sa totoong buhay. Hindi ko alam kung percent o level (Math ‘yan e.), pero kahit siguro pagkakitaan ko (pero umaasa rin ako) itong blog ay pipiliin ko pa rin magkaroon pa ng ibang pagkakaabalahan. Aligagang nilalang ako e.
  • Wala lang siguro sa personality as a blogger or content creator ko na kailangan may iba-iba pa akong pinagkakaabalahan. Iyong hindi ginugugol sa harap ng screen. By the way, ginagawa ko rin ang social media detox. And it helps na yong inspiration or source mo ng content ay base sa obserbasyon sa totoong buhay. Mananatili ka ring in touch sarili mo at hindi sa kung ano nasa algorithm, trend sa social media, at kung ano/sino pa. Charrot! Ano nga ulit meaning ng algorithm?
  • Health, procrastination or tanders na. Sa totoo lang baka ang tanda na ng term na blogging, eh vlogging at content creation na uso ngayon. Lumalabas ba ang edad? Well, we’re still millennial pero kami yung second batch ng pioneer hahahaha. Naabutan namin yung maraming nagba-blog for personal o personal blogger, na mala diary ang datingan.  Rant kung rant. Maraming nawala, at may ilan din naman nag-evolve sa content creation na pang malakasan. So anong nangyari sa amin ni Hoshi? Ang sagot ay mula item a, b at ito:

Health kasi pagoda na ang mga lola n’yo sa kakababat ng boto at paglalabada, charr! Procrastination or disorganization kasi may time na hindi rin namin alam kung ano uunahin at kailan gagawin. Tapos papasukan na nawala na sa wisyo.  

Photo by Madison Inouye on Pexels.com

From time to time nakaka-miss din yung avid readers and co-bloggers na inactive na.  

Bakit magba-blog pa rin? 

We’re trying to improve or mag-come up ng way na mas makakapag-post pa. The hows are hard but definitely our whys and whats are still overflowing. English yan ha!  Perhaps, we will start again sa personal blogging and advice column na nakagawian natin, nang makilala n’yo ako charr. Saka sa personal at social aspeto, marami talagang benefits ang blogging. Masaya daw mag-blog sabi ng HoshiVersion2012.

Photo by Nina Uhlu00edkovu00e1 on Pexels.com

Bilang Ate Jevz nakakatuwa na nakakatanggap pa rin ako ng letters from our readers. My mistake hinayaan ko at hindi ako gumagawa ng sariling email for this. Pero puwede naman ikoment dito di ba.

Mabuhay and happy anniversary sa atin! 

Ate Jevz

pagbibigay ng second chance kung third party ang kasalanan?

Ate Jevs, okay lang po ba ang pagbigay ng second chance kung ang reason ng hiwalayan ay third party? Hindi ko kasi maintindihan iyong kakilala ko kung bakit pinagbigyan n’ya pa ang nangaliwa n’yang BF. Kung ako kasi basta third party ang isyu, ayoko na bigyan ng second chance.

Ano po ang opinyon n’yo rito? Maraming salamat.

Marie

Photo by Immortal shots on Pexels.com

oo o hindi sa pagbibigay ng second chance?

Marie wala namang may gustong hiwalayan, lalo na dahil sa third party. Pero hindi lahat ng hiniwalayan, dahil sa third party, ay babaeng o lalakeng walang kapintasan. Gayon din ay bibihira ang breakup, third party o hindi, ang walang matinding rason. I don’t think madali rin sa nag-third party ang magdesisyong iwan ang taong minahal o minamahal pa nya kahit papaano.

Sa akin depende talaga sa kaso kung sa usapang pagbibigay ng second chance. Ang laking factor din kung sino ang ipinalit sa akin at paano iyong naging sitwasyon. Halimbawa matalik na kaibigan ‘yong third party, tapos may anak na sila at nagmamahal pa si ex-bff sa nagbabalik na bf ( pang teleserye DAY!).

Pero sabihin natin na ang nagbabalik na bf or gf ay humingi ng tawad, at wala namang ibang isyu kundi pagbibigyan mo lang ng second chance. Kung ako oo, kahit pa nga sabihin na complicated ( except pinagsasabay pa kaming Damuho s’ya). Ang rason ay basta MAHAL ko.

Alam kong mahirap ibalik ang tiwala. Kailangan patunayan na this time na mapagkakatiwalaan ulit s’ya. Pero para lang sa ideya na dapat hindi pinabibigyan ang minsang nangaliwa ng second chance ay parang pinipigilan mo naman ata ang sarili mong matututong magpatawad, magmahal ulit o lumigaya pa. Again lahat ng break up ay masakit pero logically ay baka may valid reason. Halimbawa si BF ay hindi sweet at insensitive sa emosyon ni girl. Then si girl may problema imbes na damayan ni bf, si boylet officemate ang shoulder to cry on n’ya.

You know love is not only a noun, its also an action word. Anyway, paano naman kung..

Photo by Mike on Pexels.com

paulit-ulit ang pagbibigay ng second chance ?

Kapag lumalabas na technically na third to nth chance na ang second chance, in my opinyon desisyon na iyon ng taong binalikan. Kung love is blind, well he or she decides to be a blind. And ako I have nothing to say sa mga taong ganoon, I respect them ( sana ikaw rin Manay hohoho) anuman ang desisyon nila. If there’s a person na makakapag-decide na tama o sige pa sa pagmamahal, ‘yon na ‘yong taong gaya ng kakilala mo.

nanood ng a second chance sa sinehan ,

Ate Jevs

Reflection: What’s is your advice to your 18-year old self?

What’s your advice to your 18-year old self? Ito ang naisip kong tanong habang binubuo ko ang birthday message para sa kamag-anak kong debutante. Okay na okay kami ni birthday girl pero, I don’t think ganoon ka-close. Kaya nahirapan ako at ayoko naman na basta makasabi lang. Ayoko rin na tunog preachy. So paano? Ito na nga, naalala ko  yung question at naisip ko why not share simple life lessons. it will matter to her and to all 18+ people sa party.

Note: This is Hitokirihoshi, not Ate Jevs. Nagliliwaliw pa si Madam at miss ko na ang blog na to.

Photo by Pixabay on Pexels.com

Advice to 18-year old girls, boys

My short, but sweet este meaningful message sa debutant and actually sa lahat ng 18-year old girls and boys ay ang tatlong ito  (sinamahan ko na lang ng explanation now):

Time is your asset.  Sabi nga nila time is gold.  Pero dahil madalas nating iniugnay  ito sa procrastination at tardiness kaya parang mas walang dating.  Ibahin natin ang siwasyon …

  • Paano kung itong point na ito ay ayaw mo na sa work mo? Pagod, stress, at ayaw mo na sa boss mo.  Tipong hindi lang ito simpleng rant, kundi burn out ka na.  Kaso hindi practical choice na mag-resign ka kasi wala kang ipon at investment. At actually hindi mo alam kung anong next move mo. Feeling mo mare-reject ka sa pag-a-apply dahil sa edad o kaunti mong skills o work experience?

  • Paano kung magre-retire ka na? May pension ka pero sure ka na hindi iyon sapat sa pangangailangan mo. Wala kang naging retirement plan kaya hindi mo rin naisip noong kabaataan mo ang saysay ng retirement fund. Hindi mo na rin kayang magtrabaho kasi bukod sa mahina ang katawan mo, sakitin ka pa.
  • Paano kung awang-awa ka na sa kalagayan mo/n’yo? Puwedeng dahil iresponsable ang napangaswa mo. Walang makain at hindi makapag-aral ang mga anak mo. May sakit sa pamilya mo. At takot ka ring may mangyari sa iyo lalo na’t ikaw na breadwinner ay wala ring insurance.
  • Paano kung gusto mo ng pagbabago? Career shift o lumipat ng bahay malayo sa in lawsmo.
  • Paano kung bilang na ang araw mo o ng mahal mo? Masaya kang magpapaalam sa mundo o pagsisihan mo ang maraming bagay na hindi mo nagawa?
time, an advice to 18-year old self

May iba na ikinokonek sa YOLO ang mga mga agresibo at wild nilang aksyon. Gaya ng paggastos ng pera, pagtikim ng bisyo, pagkain ng mga unhealthy foods, at mga…, you know.  Sa maniwala ka’t sa hindi, kapag masamang-masasama sa iyo ay masama iyo. Kahit sabihin mo ikinasiya mo  iyon ng kabataan mo. O kahit may FOMO ka.  May tinatawag naman na in moderation, good choices and decisions, and the doing the right thing.  The time you spend is something either you waste or invest. It is not something can replace or reverse.  So habang bata ka, think that your time is asset. Use it wisely and make good choices while you have chances.

malabon zoo

Define your success.   Madalas naririnig ko noon ay “bata ka pa naman, magbabago pa ang pangarap (o  gawi mo).” Tapos sila rin magsasabi sa iyo na ganito dapat kunin mo at ganito gagawin mo ‘pag nagtapos ka. Dapat may ganito estado mo sa susunod o ganitong edad. Ganito o iyon ang taong successful na gagayahin mo.  Nakakarindi!

Then may mga nangangamusta.  Iyong kumusta na may laman. Iyong itse-tsek kong higher or lower level ka sa standards niya.  Iyong mapi-peer pressure ka kung hindi ka belong. Nakakaliit ng pagkatao!

Slogan dati ng Makati city

Sa maraming taon ng kakasunod, kakakumpara, at pagtapat sa pamantayan ng iba—I think I failed. And I think, hindi mo maabot ang antas ng tunay na success noon. But that’s not until masabi mo na ito ang success sa akin.  At yung success na iyon ay hindi definition ng ibang tao para sa iyo, kundi success na ikaw mismo ang nagtakda.  Aim higher and achieve that something valuable for you, your loved ones and the world.

Define your happiness. Kapag bata ka at kausap mo ay matanda parang ang happiness mo ay entertainment, leisure, or past time lang sa kanila. Ang totoo? Puwedeng oo o hindi. Okay lang naman na at 18 ay hinahanap mo pa ang happiness mo.  At okay din kung inaalam mo pa kung ano ba ang happiness mo.  Pero gaya ng success, it should be the happiness that you define for yourself.  And you should look for the genuine happiness– the kind of happiness that is right and long-lasting that you deserve.

Photo by Tirachard Kumtanom on Pexels.com

For me happiness ay hindi lang tao, bagay, activity or achievement kundi estado. Iyong kahit may bad trip days o ano pa ang sabihin ng iba, deadma ka. Iyong alam at ramdam mong puno ka ng pagmamahal. Kaya mong magmahal o tumanggap ng pagmamahal.  Iyong alam mong nakakatulong ka sa ibang tao o you serve your purpose. Iyong ginagawa mo iyong gustong-gusto mo.  At wala kang regret sa buhay mo, na kahit  mamatay ka na bukas ay masasabi mo pa rin “Thank you Lord!”

What’s my advice to my 18-year old self?

Noong 18 ako ang hilig ko sa anime at nasa college na ako. Nao- awkward ako kapag kasama ko iyong mga kaklase ko na sosyal, matalino, mayaman, at may itsura. Kasi feeling ko ang weird-weird ko, jologs, average student,  hampas-lupa,  at sakto lang itsura. Gusto ko noon sumama sa mga organizations gaya sa theater play, choir, at mag-library assistant. Kaso sa baon ko na Php 40 lang ang pangkain ko kahit pasok ko 7am – 7pm. Dalawa lang uniform ko sa 6 na araw na pasok ko.  In short, wa extra anda.

Sa grades ko masaya na ako maka- 1.5 ( 1 is the highest  and 5 is the lowest), pero nakakatikim ako ng 2.75 at 2.5.  Nakatikim din ako ng 3.5 ( o 70-74%) sa Math.  May crush na ako noon, pero kinikim ko na lang. kimkim na pinapatay yung feeling kasi hindi praktikal.  Ang biyahe ko papasok  at pauwi ay2-4 hours ( depende sa ula at traffic), pagdating ko ng bahay pagbabantayin ako ng tindahan. Tapos kailangan ko mag-review ng magreview.  Pressured ako kasi parang ako ng bobo sa A section.

Photo by Pixabay on Pexels.com

The thing is minus yung feeling bad about myself, wala akong regret.  If I can tap my 18-year old self  on shoulder and speak with her now…

Girl, I want to congratulate you. You’re doing the best that you can. and Ano man yan pinagdadaanan mo, nakatulong sa akin.  Thank you na ipinaglaban mo yung course na gusto mo. Thank you kahit awang-awa ka sa sarili mo at ayaw mo sa school mo, hindi ka sumuko. Thank you kahit napasama ka sa mga masasabing  bad influence, hindi ka nagpadala. Hindi kita sisihin kahit panay bili mo ng anime cards, poster, o panonood ng TV.

Hindi ka man nakasali sa organizations na unamong gusto, napursige mo makapasok sa counselling and testing section at junior saver’s club. My only advice for you to have confidence and boost your self-esteem.  Kapag kumpiyansa ka sa sarili mo – ang ganda-ganda mo. Yung talino at kasanayan mo, hindi kayang gayahin ng kahit sino. You’re imperfectly perfect. Kung may isa lang ako maidagdag ay sana lang nag-double time ka lang sa math at English grammar, hehehe

Photo by bruce mars on Pexels.com

Ikaw? What’s is your advice to your 18-year old self?

Nabasted: Paano harapin ang rejection?

Dear Ate Jevs,

Na-in love at po ako sa kaibigan ng Tita ko, at nabasted n’ya ako. Ano po bang gagawin ko?  Paano ba harapin ang rejection  sa love o pamba-basted na ito na nagkataon na first love ko pa man din?

Na-in love po ako sa kaibigan ng Tita ko, na itatago ko sa name na Amor.  Pitong taon  lang po ang agwat namin ni Amor.  Close po ako sa tita ko na  itinuturing ko ring ate. Dahil doon ay nababarkada rin ako sa mga kaibigan n’ya. Dito kay Amor, espesyal kasi  malambing, cute, at matalino. Iyon lang pagdating sa pag-ibig  palaging sawi. Kung bakit naman kasi nagmamahal s’ya ng mga maling lalaki.  Nakakatatlo na s’yang boyfriend, ‘yong isa pinaasa siya, ‘yong isa nambabae, at itong huli ay LDR sila. Naghiwalay sila dahil hindi kinaya ni Amor.

Bata pa lang ako ay may crush na ako kay Amor. Alam iyon ng Tita ko at tinutukso pa nga ako dati. Pero dahil  inakala nila na nagkaroon ako ng GF ay inakala rin nila nawala rin yung admiration ko.  Sa kabaliktaran ay lumalalim pa nga at inilihim ko na lang ito. Ako rin kasi nag-isip na baka crush, infatuation, o childhood love lang iyon naramdaman ko sa kanya. If ever na maging kami ay s’ya  talaga ang magiging first ever girlfriend ko. Kung mayroon man ako napagbalingan na ibang girls – MU lang.   Nagpapahaging na ako sa kanya before pero parang walang epek.

Sa tuwing nasasaktan po s’ya ay parang nasasaktan din ako. Gustong-gusto gulpuhin yung mga naging boyfriend n’ya lalo na iyong pangalawa.  Itong last nasabi ko na give up na ako ligawan s’ya.  Nakita ko gaano s’ya kasaya at mahal din naman s’ya nung lalaki.

Noong nagdesisyon silang maghiwalay dahil magtatagal pa yung lalaki sa US. Itong si Amor kasi may pagka-clingy din at hindi n’ya raw kayang maghintay pa.  Sabi ko that time, iyon na ang chance ko. Nilakasan ko na ang loob ko kasi may isa pang nanliligaw sa kanya na mukha rin manloloko.

Tinanong ko iyong tita ko, kung awkward ba sa kanya? Sabi n’ya oo, pero walang problema if ever na maging kami. Kaya lalong lumakas ang loob ko, kaso ang masakit ay nung nag-confess na ako ay agad niya akong binasted.  I try my very best to prove that I love her na hindi ito basta lang.  Iyong mga sinabi at sinasabi ko pa rin sa kanya kinimkim ko mula grade 10 hanggang ngayong nagtatrabaho na ako.  Tapos wala, sabi n’ya lang ay hindi kami talo at nabalitaan ko na lang na sinagot  na ‘yong nanligaw sa kanya na alam n’yang babaero.  Dati pa iyong boyfriend ng kabarkada nila ni Tita.

Ang sakit-sakit, I can’t compare it to any rejections na naranasan ko.

Salamat po in advance,

Ian

***

Dear Ian,

Alam mo ba na habang binabasa ko  itong letter mo ay feeling ko ay member ako ng s3*bomb dancers. “Laban-laban o bawi-bawi” ang peg ko, sabay buntong-hininga ng “awwwwww!” mga 7x ‘yon, hehehe. Kasi grabe ‘yang long-standing one-sided love mo ha, endangered specie ka na koyah!

Tatlo ang nakikita kong issue bakit nag-alangan si Tita Amor ( naki-Tita daw).

  • Nakondisyon s’yang kapamilya o kaibigan ka – friendzone
  • Yang 7 years na tanda para sa karamhan ng babae ay awkward – May-December love affair
  • In love din talaga s’ya siguro doon sa manlolokong-manliligaw-na-Bini-F n’ya. Tinanggap n’ya ang katotohanan e.

Gusto kong sabihin sana na “laban-laban!” kaso definitely “bawi-bawi” at “move on-move on” na ang sagot d’yan. May nanalo na e. Maghihintay ka ba ulit na magkahiwalay  sila o gusto mo ikaw ang maging dahilan na paghihiwalay  nila? Kung gagawin mo iyon, I don’t think na malaki rin ang tyansa na maging kayo ni Madam Amor.  Puwede siguro  balang-araw pero hindi ngayon.

Tips on how to accept rejection o pambabasted

Think that rejection is a blessing in disguise.   I believe she gives you a big favor nung binasted ka.  Why?  Parang may pattern kasi yung choices niya pagdating sa pakikipagrelasyon.  Gusto ata ni Madam ay pigaan-ng-puso love affair dahil sa tatlong bf n’ya ay hindi na pa s’ya natututo.  Na-jackpot n’ya na si Bf# 3, pero siya ang bumitiw.

Saka who knows din kung sino ba s’ya bilang karelasyon? Ang nakikita mo kasi ay Amor na kaibigan o Amor na iyong minahal. Halimbawa sa bf#1 n’ya, siya ba ay pinaasa o siya lang itong umasa . Baka balang araw nga ay ipagpasalamat mo na hindi ka naging bahagi ng listahan n’ya.

Believe you’re worthy to have someone/ something better.   Hands-down ako sa  pagmamahal mo at kung sa parte mo lang naman ay wala akong makitang  mabasang mali. I hope na ‘wag mong hanapan ng mali ang iyong sarili. Dahil ang kagaya mo ay deserved ng babeng better than Amor and worthy kang  mahalin. Yang pangre-reject sa iyo ni Amor ay sarili niyang opinyon, “and don’t represent the program, management, and the network”.   Buksan mo na lang love hot line mo tatawag ako, charr sa iyong matutuhan sa bagay na ito, sa ibang passion, o ibang tawag ng love. Baka nga matagal na nga s’ya kumakatok.  Nakasarado lang ang pintuan mo, may tatlo pang padlock.

Trust that you will reborn after ng pambabasted o love rejection.  Siempre wala naman nabasted, na-reject, o nakipag-break na hindi nasaktan. May mga moments din talaga na  pakiramdam mo “dead-end na.” Na tatanungin mo ang sarili mo ng kung anu-ano. Pero kahit alam mo  ang lohikal na sagot ay di mo nage-gets o ayaw mong ma-gets.  That’s normal, yeah know. Pero ika nga dapat daanan lang iyang phase na iyan, huwag tambayan.

Walang ibang makakahanap ng sagot sa iyong mga agam-agam kundi ikaw mismo. At madalas, hindi kailangan ng tanong at kahit na sagot- AGAD, para simulang mag-move on. Kapag inaksyunan mo ito hangang sa unti-unti mo ng matanggap ng buong-buo, lalabas ang Ian version 2.0. Better, bolder, Brighter pagdating sa love and relationship.

Additional tip, okay ang idea ng beginner’s mind when it comes to moving on and loving again. Kasi hindi lahat ng babae ay si Madam Amor mo, at hindi pare-pareho ang ipinapa-experience ng love. Siempre may masaya, positibo, at bongga.

Happy Valentine’s Day!

Nagkakape sa tanghali,

Ate Jevs

 

Paano ba maging positibo?

Dear Ate Jevs,

Paano po ba manatiling maging positibo o maging masaya sa gitna na puro kamalasan o kanegahan na mga pangyayari. Lately po kasi ay napapansin ko na lagi akong malulungkutin.  Iyong konting kibot nalulungkot ako at naiisip ko, bakit ko pa gagawin iyong isang bagay wala rin naman mangyayari.

 

Siempre may mga dahilan naman po ba’t nalulungkot ako kaya hindi ko rin mapigilan. Sa ibang banda, natatakot din naman po ako na masyado akong maging negative, na baka ako na pala ang nakakasakit sa iba o sa aking sarili. Ayoko naman po ma-depress kasi kahit may mga pinagdadaanan ako ngayon at  parang hopeless ay nangangarap pa rin ako kahit papaano.  Ano po bang gagawin ko?

Gumagalang,

Marietta

 

******

Dear Marietta,

Paano ba maging positibo?  Paano maging masaya?  Ang sarap sagutin n’yan kung nasa happiest place on earth ka o mala-cloud 9 situation. Iyong di mo pansin si inis, inggit, o awa sa sarili. Tapos iyong laman ng utak mo ay magagandang bagay na iyong nagawa, nakamit, at ikinasiya. Teka  kailan ko nga ba naramdaman iyan?

Pero alam mo kahit pala malas-malasin ka, paligiran ka ng mga bruho at bruha, at ang tagal-tagal naman ma-solve ng simpleng one plus one mo ay puwede pa rin pala kahit papaano makahanap ng positive signs and sides.  Narito ang tsika ni Ate Jevs mo:

Maging positibo sa pamamagitan ng…

to be humble and confident is …
(photo: a part of Via Crucis o Way of the Cross
Parish of the Holy Sacrifice UP Diliman

Don’t regret too much of something you already decided to let go.  May naka-chat akong ex office-mate na ang suwerte raw ng mga umalis sa office namin dati, at s’ya lang ang hindi.  Ang sagot ko sa kanya ay “there’s life after doon and there’s still life din pa naman doon. ”

Kung tutuusin kasi ay mula ng iwan ko ang kompanyang  iyon ay hindi  naman puro triumphs o failures. Roller coaster talaga!  May mga pagkakataon na negative at sumasagi sa isipan ko na what if hindi ako nag-resign. Parang stable na ako doon e. Pero sa bandang dulo pa rin ay maiisip at maiisip ko na mag-resign doon sa iba mang dahilan o pagkakataon.

Sa pagitan ng pagsisihin o hindi, kling na kiling pa rin sa no regret.  I’m happy sa mga naiwan at I’m glad sa pag look forward sa mga susunod sa buhay ko. Ang laking tulong kung matutuhan mong, Marietta ka,  na mag-move on agad lalo na sa mga bagay na tapos na.  Iwas lungkot at nega iyan, bagkus ay magiging positibo’t malawak ang iyong isipin. Ang focus mo ay iyong mga lessons from the past na magagamit mo na lang sa kasalukuyan. Parang kwento ni award-winning actress na si Gina Pareño na ilang beses na nadapa, pero nagbabalik na mas magaling at mahusay. Nagamit n’ya sa pag-arte ang kanyang mga pinagdaanan noon.

Stay away from negative people.  Ito ang mahirap na bahagi pero napakaimportante. Mahirap kasi hindi lang sa  kailangan gawin, kundi dahil hindi madaling ma-identify din kung sino ang nagdudulot ng nega at sadness pala sa iyo. Puwedeng iyong mga negatron ay  iyong akala mo okay, nakakatulong sa iyo, o may concern sa iyo… pero hindi. Kasi either may hidden talaga silang agenda o sila mismo sila ay may problema sa sarili nang-aano lang sila…nang karamay?

Live Brighter… Let Go Energy Vampires ni Hoshi ay nabanggit  na sa buhay pala para maging happy, successful, or positive  ay kailangan makilala at may iwasan/tagpasin ka sa iyong landas. Puwedeng sila ay ang akala mo kaibigan, always may tamang kamag-anak, tsikadora kapitbahay o kapamilyang puro pangda-down ang ginagawa.

Dalawa sa paborito kong tagpasin sa landas ko ay iyong mga friendly pero manipulative, at mga pa-victim (mentality) na kasalanan ng mundo bakit sila nagkakaganoon.

Maging Positibo dahil…

Your existence important, special, and blessing.  Napansin ko rin na isa sa nagpapalungkot sa mga tao ay  ang paraan nila ng pagpansin sa ibang tao. They either pro or against sa current, pero in the end mapu-frustrate sa  pakisama sa kanila.  Ang masaklap  pa doon ay they focus sa external factors,  pero in truth internal problem ang mayroon sila.  I am talking about mindset, accepting your personality, embracing strengths and weaknesses, at celebrating your uniqueness.

Puwedeng kuda ito sa iba, pero kung kikilalanin mo ang iyong personality (introvert, extrovert, omnivert, o ambivert) ay baba ang chance na malungkot ka sa  kaka-compare. Mas magiging positibo ka kung tatangpin mo kung ano ka at if ever kung ano ang willing mo ikumpromiso o baguhin.

No matter what other people say na ganun o ganira ka,  ikaw at ako ay may limitasyon. However we also have our own capacity to go beyond those limitations depende sa maturity, phase o level, or changes in our lives.  Lahat may pinagdadaanan, may mababa o mataas, pero walang taong walang silbi o saysay.  Nasa iyo if you want your life so meaningless, kahit idikdik ka ng ibang tao na ganun. Hanggang naniniwala ka na hindi-hindi-hindi-hindi, sorry na lang s’ya.

Alam mo ba na sa ekolohiya, kapag may isang mawalang species ay magiging imbalance  ang  buhay ng lahat ng living creatures?  Natutuhan namin ‘yan sa campaign para ma-declare na endangered species ang thresher sharks sa Cebu. ‘Di ba kung tutuusin ay wala na tayong paki sa sea creatures na yun dahil tilapia, bangus, dilis at galunggung ang kinakain natin.  Pero oo nga  naman, kapag wala ng sharks, whale, coral sa dagat ay may mag-o-overpopulate na species, may susunod na ma-e-endanger, at mayroon siguradong ma-e-extinct. Bandang huli damay pa rin ang tao. Mabuting mawala na ang pollutants at abusado sa dagat, kaysa mga dapat naninirahan doon ‘di ba? At hindi ka pollutant, ikaw pinaka-unique na specie sa balat ng lupa.  Paki-verify na lang ung badge. charrot!

What you think is what you do, what you show, and what you attract.  Sa totoo lang ang hirap pangatawanan ang katagang “Kapit lang” o “manalig ka lang.” Patience is really virtue kapag nasa crucial stage ka. Iyong kailangan mo na ng sagot sa iyong problema, ora mismo!  Tapos parang wala pa ring nangyayari o malabong maganap ang iyong hinihiling.  Mapapatanong ka na talaga, ano pa ba? Bakit ganito?

Subalit ika nga sa Matthew 6:27.

“Can any one of you by worrying add a single hour to your life?

So kung nega ang sitwasyon, umaksyon ng positive para umuusad ka rin going to positive side.   Iyang pagiging masaya ay choice at result din ng kung ano ang handa mong hanapin, hingin, at ipagkaloob.

Nagtatabas ng damo,

Ate Jevs